OFW na-sandwich ng 2 bus
Danilo Garcia (Pang-masa) - December 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 46-anyos na lalaking overseas Filipino worker (OFW) nang ito ay maipit ng dalawang bus na naggitgitan sa loading bay kamakalawa ng hapon sa  Makati City.

Ang nasawi ay kinilalang si Luis Oracion, nakatira sa Sitio Militar, Project 8, Quezon City, na kauuwi lang kamakailan mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Dinakip ng mga otoridad ang dalawang driver ng bus na sina Marlon Solis Brioso, may-asawa, ng Sangandaan, Caloocan City at si Dominador Tobias Garcia, 68, nakatira sa Ampid 1, San Mateo, Rizal.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon ay sasakay sana ang biktima sa bus na minamaneho ni Garcia na nasa loading at unloading bay sa may Guadalupe, Makati City nang sumulpot ang bus na minamaneho naman ni Brioso na gusto umanong unahan ang mga ibang pasahero na sumasakay sa bus ni Garcia na kung saan ay naipit ang una.

Malubhang napinsala ang katawan ng biktima dahil sa pagkakaipit na sinaklolohan ng mga nakatalagang tauhan ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na rin naisalba ang buhay.

LUIS ORACION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with