Quarry site gumuho, 3-anyos patay, 2 sugatan
Boy S. Cruz, Joy Cantos (Pang-masa) - December 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalibing nang buhay ang isang 3-anyos na totoy habang dalawa ang naiulat na nasugatan matapos na matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang tahanan sa isang dating quarry site sa Brgy. San Jose Patag sa bayan ng Santa Maria, Bulacan, Biyernes ng hapon.

 

Inabot ng ilang oras ang paghuhukay ng mga rumespondeng rescue team bago nahukay ang bangkay ng biktimang si Leonard Dorimon Jr., habang agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatang biktima na sina Teresita Auditor, 60, at Andrea Auditor, isa ring 3-anyos, pawang mga residente ng Sitio Gulod II sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon habang nasa loob ng kanilang tahanan ang mga biktima nang biglang gumuho ang lupa sa kanilang paligid kasama ang malalaking tipak ng bato na ang isa sa mga ito ay tumama sa kanilang bahay.

Nabatid na ang lugar na kinatitirikan ng bahay ng mga biktima ay dating isang quarry site sa loob ng 20 taon kung saan nadamay ito bunsod ng naturang insidente.

QUARRY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with