^

Police Metro

3 tulak patay sa drug ops

Ludy Bermudo, Mer Layson, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong sinasabing drug pusher ang napatay ng mga otoridad nang manlaban umano ang mga ito sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Maynila, Valenzuela City at Antipolo City, Rizal.

Sa Tondo, Maynila napatay ang suspek na si Winefredo De Guzman, 54, alyas ‘Ateng’ ng Ma. Payo St., nang mabaril ng mga pulis dakong alas-9:30 ng gabi sa panulukan ng Zaragosa at Road 10 matapos manlaban.

Dead-on-the-spot naman ang suspek na si Christian Padilla, 25, construction worker, ng #279 M. H. Del Pilar Dt., Road 1, Lingahan, Brgy. Malanday,Valenzuela City nang manlaban umano sa ikinasang drug buy bust operation dakong alas-7:30 ng gabi

Sa Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal ay nasawi rin ang sinasabing drug pusher na si Rogine Lachinebre, alyas ‘Tropa’ matapos umanong manlaban sa mga pulis habang siya ay inaaresto sa isang drug buy bust operation kahapon ng alas-11:15 ng umaga habang naaresto ang kasama nito na si Ester de Leon.

Sa kalagitnaan ng transaksyon ay nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal kaya’t kaagad umano itong nagbunot ng baril at pinutukan ang pulis na masuwerteng hindi tinamaan.

Lumabas ang ibang mga pulis at gumanti ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with