Ayon kay Police Chief Inspector Romulo Dela Rea, hepe ng GMA MPS, nagkasa sila ng follow-up operation sa mga suspek matapos na tangayin ang motorsiklo ng isang Franklin Marcene, 33, ng Block 57, Lot 10, Brgy.Dacon,GMA,Cavite ng 2 suspek na sina Brin, at Flores,18, habang nakaparada.
Karnaper patay, 7 timbog sa engkuwentro
Cristina Timbang (Pang-masa) - November 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang mi­yembro ng karnaper habang timbog ang 7 kasama nito nang makaengkuwentro ang mga otoridad, kamakalawa ng gabi sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek habang ang pitong naaresto ay kinilalang sina Val Rosal, 28; Johnny Loma, 32; James Talaoc, 19; Baldibino Ferel, 46; at Samuel De Asis,19, estudyante, pawang residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite; James Abragan Brin, 19; Christian Cabrera Flores,18, kapwa, residente ng Blk. 56, Lot 11, Excess Lot, Brgy. Tirona, GMA habang nakatakas ang isang Mark Perel alyas “Mac Mac” .

Ayon kay Police Chief Inspector Romulo Dela Rea, hepe ng GMA MPS, nagkasa sila ng follow-up operation sa mga suspek matapos na tangayin ang motorsiklo ng isang Franklin Marcene, 33, ng Block 57, Lot 10, Brgy.Dacon,GMA,Cavite ng 2 suspek na sina Brin, at Flores,18, habang nakaparada.

Nakilala ang dalawang suspek sa pamamagitan ng CCTV kaya agad itong naaresto at wala na sa mga ito ang kinarnap na motorsiklo ni Marcene na  dinala sa kanilang kasamahan sa Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas City, Cavite na ipinagpalit nila ito ng shabu na kung saan ­dito naaresto ang limang iba pa na nakumpiskahan ng mga baril at shabu.

KARNAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with