^

Police Metro

Rapist pumalag sa aresto, dedo

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 36-anyos na lalaki na may kasong panggagahasa matapos umanong manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya naganap kamakalawa sa Purok 1, Barangay Polo, Polomolok, South Cotabato.  

 

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Rodrigo Samling, magsasaka, nakatira sa Barangay Landan sa nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga ay minamaneho ng suspek ang kanyang multicab nang harangin ng mga pulis na may dalang arrest warrant sa kasong multiple counts of rape.

Sa halip umanong sumuko ang suspek ay tumakas ito patungong pineapple plantation kaya’t hinabol siya ng mga pulis at nakipagbarilan.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek at nakuha sa kanya ang isang paltik na 38 revolver na may lamang apat na bala.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with