2 drug pusher napatay
Ludy Bermudo, Joy Cantos (Pang-masa) - August 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher ang napatay nang manlaban umano ang mga ito sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Maynila at Laguna.

Dakong alas-3:15 ng hapon nang mabaril at mapatay ng MPD-Station 3 ang suspek na si Novie Faustino, 27 sa eskinita sa tabi ng isang abandonadong gusali sa P. Guevarra St., kanto ng Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila nang manlaban sa buy bust.Narekober mula sa suspek ang isang kalibre 38 baril at 6 na sachet ng shabu.

Patay din ang suspek na si Rolando Bugarin, miyembro ng isang crime group at kabilang sa lista­han ng pulisya na sangkot sa droga nang ito ay kumasa sa search warrant naganap sa Sigue St., Brgy. Platero, Biñan City, Laguna dakong alas-8:35 ng gabi.

Isinisilbi ng mga pulis ang search warrant sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 nang bigla umanong bumunot ng baril at paputukan ang arresting team.

Gumanti  ng putok ang mga pulis  na nauwi sa ilang minutong shootout at napatay ang suspek.

DRUG PUSHER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with