Mag-utol dedbol sa bundol
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - June 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Kapwa nasawi ang isang magkapatid na lalaki matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na trak naganap kamakalawa sa Crossing Solomon, Purok Bonifacio, Barangay Panay, Sto. Niño, South Cotabato.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina JV, 21; at Joshua Aguilar,16.

Batay sa ulat, sakay ang magkapatid sa motorsiklo nang inoberteykan nito ang nasa unahang sasakyan at dahil sa mabilis ang kanilang takbo ay nawalan ito ng kontrol at napunta sa kabilang lane na kung saan ay paparating ang trak at sila ay nasalpok.

Tumilapon ang magkapatid sa palayan na nasa gilid ng kalsada na noon din ay nasawi bunga ng mga tinamong sugat at bali sa kanilang mga katawan.

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with