^

Police Metro

Quezon City shootout: 2 holdaper utas

Mer Layson - Pang-masa
Quezon City shootout: 2 holdaper utas
Ayon kay Delos Reyes, bumibili siya sa isang burger stand sa Filinvest 2 nang lapitan siya ng dalawang suspek at nagdeklara ng holdap na kung saan ay sapilitang kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng pera, cellphone at iba pang personal na gamit at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis sa isang shootout ang dalawang sinasabing holdaper matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa naganap na shootout kahapon ng madaling araw sa Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Inilarawan ng pulisya ang dalawang napatay na holdaper na ang una ay nasa pagitan ng edad  30-35, 5’5-5’6 ang taas, kayumanggi, nakasuot ng puting t-shirt, asul na jacket at gray pants habang ang pangalawa ay nasa edad na 25-30, 5’4”-5’5” ang taas, nakasuot ng itim na jacket, naka-face mask at gray pants.  

Bago nangyari ang shootout dakong alas-12:05 ng madaling araw ay nakatanggap ng reklamo ang pulisya sa isang Carla delos Reyes na hinoldap at isang Judito Opinion Jr., na biktima ng carnapping ng dalawang suspek.

Ayon kay Delos Reyes, bumibili siya sa isang burger stand sa Filinvest 2 nang lapitan siya ng dalawang suspek at nagdeklara ng holdap na kung saan ay sapilitang kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng pera, cellphone at iba pang personal na gamit at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Agad na nakapagreklamo ang biktima sa mga pulis kaya nagkaroon ng follow-up at hot pursuit operation hanggang maispatan ang dalawa.

Pinara ang mga ito, pero sa halip na huminto ay pinaharurot ng takbo ang kanilang motorsiklo at pinaputukan ang mga pulis na nagresulta para tamaan sa hita si PO1 Julius Reyes.

Nakorner at napatay ng mga pulis ang dalawang suspek at nabawi ang dalawang kalibre 45 baril, bag ng biktima at gamit ni Delos Reyes at ginagamit na motorsiklo ng mga suspek.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with