_pang-masa
^

3 katao utas sa bangga

Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - May 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente sa kalye sa Norala, South Cotabato at Makilala, North Cotabato.

Sa Barangay Lapuz, Norala, South Cotabato ay nasawi ang dalawang rider na sina Jino Lopez, 22, jobless, ng Barangay Kulambog, Isulan Sultan Kudarat at Jorie Garzon, 26, ng Barangay Simsiman, Norala.

Sa ulat, kapwa minamaneho ng dalawang biktima ang kanilang mga motorsiklo ay binabaybay ang kahabaan ng provincial road sa Barangay Lapuz nang magbangaan.

Sa lakas ng banggaan ay parehong tumilapon ang dalawang driver na idineklarang dead on arrival sa ospital habang ang kanilang mga angkas na pawang binatilyo ay nasugatan.

Nabatid na lasing umano ang biktima nang nakipag-inuman sa nanalong punong barangay sa katatapos na halalan.

Hindi nito namalayan ang pagdating ng van (AAG 5505) na minamaneho ni Michael Alanes Patricio, 38 habang siya ay tumatawid kaya’t nasalpok.

NORTH COTABATO SOUTH COTABATO MAKILALA NORALA ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with