Drug pusher sa Cavite napatay
Cristina Timbang (Pang-masa) - May 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban habang naaresto ang kasama nitong babae sa isang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Kawit, Cavite.

Kinilala ang napatay na suspek na si Jervie Garcia, 31, alyas Pungkol, residente ng Brgy. Samala-Marquez, Kawit, Cavite.

Habang naaresto ang kasama nitong babae na si Crisalyn Plandez, 24, na residente din ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-10:04 ng gabi nang magsagawa ang pulisya ng buy bust operation laban sa suspek na kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng P500.00 halaga ng shabu sa mga suspek.

Nang makuha na ang items ay palihim na sumenyas ang pulis sa mga nagtatagong kasama na nahalata naman ni Garcia kaya kinuha ang shotgun at pinutukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek habang naaresto si Plandez.

Nasamsam sa suspek ang 5 plastic sachet ng shabu; improvised shotgun; at drug paraphernalias.

JERVIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with