Pinoy mas gusto ang con-con
MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino ang sang-ayon sa Constitutional Convention o CON-CON na paraan upang amyendahan ang 1987 constitution o Saligang Batas ng Pilipinas.
Lumabas sa March 2018 Veritas Truth Survey o VTS sa 1,200 respondent mula sa Mega-Manila na kinabibilangan ng National Capital Region, Cavite, Laguna, Antipolo at Bulacan na 38-porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa Constitutional Convention.
Nasa 21-porsiyento naman ng mga respondent ang sang-ayon sa Constituent Assembly habang 41-percent ang nalilito o hindi pa makapagdesisyon kung anong paraan babaguhin ang 1987 constitution.
Batay sa Veritas Truth Survey, 41-porsiyento ng male respondents ang gusto ng CON-CON at 33-percent sa mga babae habang 18-percent ng mga lalaki ang pabor sa CON-ASS at 16-percent sa mga babae.
Nasa 49-percent sa mga babae at 41-porsiyento ng mga lalaking respondent ang nalilito pa.
Ang Veritas Truth Survey ay mayroong margin of error na +/- 3-percent na isinagawa ng Radio Veritas Research Department.
- Latest