Bulacan shootout: 5 todas
Joy Cantos (Pang-masa) - February 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang limang katao kabilang ang isang barangay kagawad na nasa drug watchlist sa naganap na shootout kahapon sa Malolos City, Bulacan.

Ang nasawi ay kinila­lang sina Henry Binas alyas Kosa,Kagawad sa Brgy. Sto Niño na nakumpiskahan ng isang cal. 38 na baril at ilang sachet ng shabu; Juanito Calagod alyas Kalbo; Obet Hernandez; John Erick Miranda at isang alyas Obet.

Batay sa ulat, bago nangyari ang engkuwentro dakong alas-12:30 ng hapon sa kahabaan ng Mabolo-Sto. Cristo Diversion Road ng lungsod ay may warrant of arrest si Calagod sa kasong frustrated at attempted homicide sa San Jose del Monte City.

Nang papunta na ang mga pulis sa lugar ay nagpaputok umano ang mga suspek,subalit hindi tinamaan ang mga una na gumanti ng putok.

Sa palitan ng putok ay bumulagta ang limang biktima.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with