3 arestado sa P5.6-M shabu

MANILA, Philippines - Tatlong katao kabilang ang isang mag-live-in na umano ay high value target na dealer ng droga ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Maybunga, Guimba, Nueva Ecija at Calumpit, Bulacan, kamakalawa.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Melvin Samson, alyas Pogi, tubong Malolos, ng Brgy. Palasahan, Malolos City, Bulacan; live in parter nitong si Gerlie Santiago, 22, ng Maybubon, Guimba, Nueva Ecija; at Kimberly Arzadon, 27, ng Purok 5, Upper Bicutan, Taguig City.
Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang tropa sa mag-live in partner sa Bago Bantay, QC.
Nang simulan ang transaksyon ay biglang nag-iba ng lokasyon ang mag-live in ay nagpasyang gawin ito sa Nueva Ecija na kung saan dito sila nadakip at nasamsam ang 120 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P600,000, drug paraphernalias at buy-bust money.
Itinuro ng mag-live-in ang kinaroroonan ni Arzadon at sa Room Q, Paco Royal Inn, Mc Arthur Highway, Brgy. Palimbang, Calumpit, Bulacan at naaresto ito.
Narekober ang limang malaking plastic packs ng shabu na may timbang na 1 kilo at street value na P5 milyon.
Nabatid na si Samson na dating naninirahan sa Brgy. Palasan, QC, ay naaresto na ng Brgy. Anti-Drug Abuse Council (BADAC) noong 2014 at nakalaya makaraang makapag-piyansa, habang ang kanyang live inpartner ay nagtago naman sa Guimba.
- Latest