_pang-masa
^

4 niratrat habang nagsusugal

Rey Galupo (Pang-masa) - April 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Apat na katao ang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek habang ang mga ito ay nagsusugal ng cara y cruz kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Joseph Santiago, 32; Recon Tizon, 37; at Rainier Oliver Naranja, 36, pawang construction workers at residente ng Package 4, Brgy. 176, Bagong Silang at isang lalaki na nakasuot ng short pants na may tattoo na Joey sa kaliwang braso.

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng madaling araw ay naglalaro ang apat ng cara y cruz sa harap ng isang tindahan sa Package 4  nang biglang sumulpot ang mga suspek  at walang kaabog-abog na sila ay pinagbabaril.

Namatay noon din sina Tizon at Naranja habang si Santiago at hindi pa kilalang biktima ay dinala sa Dr. Jose Rodriguez na kung saan idineklarang dead on arrival ang huli habang si Santiago ay nasa kritikal na kalagayan.

Narekober sa lugar ang walong basyo ng kalibre 45.

Inaalam pa ang background ng mga biktima upang madetermina ang motibo ng pamamaril sa kanila.

JOSEPH SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with