^

Police Metro

Poker player suspek sa QC road rage murder

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinilala na kahapon ng pulisya na isang “armed and dangerous” ang suspect sa road rage killing ng isang  motorcycle rider sa Quezon City na naganap noong Sabado.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) chief Supt. Guillermo Eleazar na ang suspek ay kinilalang si Fredison “Sonson” Atienza, 45, isang high-roller poker player at residente ng Karuhatan,Valenzuela City.

Natukoy si Atienza na siyang suspek sa pamamagitan ng pagberipika sa Land Transportation Office (LTO) na lumalabas na ang register owner ng puting Toyota Land Cruiser ay nakilalang si Hazel Joyce Atienza.

Ang nasabing sasakyan ay minaneho ng tatay ni Atienza na nakilalang si Fredison na personal na kinilala ni Michael Mendoza na siyang bumaril at nakapatay sa kanyang kapatid na si Anthony Mendoza, 27.

Unang nagkamali ang otoridad sa inilabas na plaka matapos magbigay ang ilang testigo ng iba’t ibang rekoleksyon ng mga numero ng plaka at para matiyak ang tamang plaka ay nagsagawa ang QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) investigators ng pagsusuri sa mga CCTV street footage ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Center (QCDRRMC) kung saan ang motorsiklo ng biktima at sasakyan ng suspek ay nairekord sa ilang lugar sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave. at D. Tuason ilang minuto bago ang pamamaril.

Nang makuha ang tunay na plaka, agad na beneripika ito sa LTO at  lumabas na ang may-ari ng Toyota Land Cruiser na may plakang AHA-3458 na sangkot ay ginamit ni Atienza simula ng mga oras na maganap ang pamamaril.

 Ang larawan ng suspek ay agad na nakuha ng imbestigador mula sa isang social media site at nang ipakita ang larawan kay Michael ay personal niya itong nakilala na siyang bumaril sa kapatid.

Ang suspek ay nagmamay-ari ng isang kalibre .45 na STI pistol na ang lisensya ay expires na noong March 20, 2013; isang Glock 9mm pistol na ang expired na rin ang linsensya noong May 20, 2010 kaya’t mapanganib ang suspek.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with