Binisitang resort ng Miss U,sinalakay ng mga rebelde
ISYU AT BANAT - Joy Cantos (Pang-masa) - January 31, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Natangay ang sari-saring mga armas ng mga pinaghihinalaang New Peoples Army (NPA) re­bels nang salakayin ang isang posh resort hotel  sa Nasugbu, Batangas  na kabilang sa mga binisita ng mga kandidata ng Miss Universe 2016.

Sa ulat ng Batangas Police, dakong alas-6:15 ng gabi nang salakayin ng  nasa 25 NPA rebels  ang Hamilo Coast-Pico de Loro sa Brgy. Papaya.

Ang mga rebelde na sumalakay ay  lulan ng isang van at nakasuot ng camouflage uniform na nagpanggap pang mga sundalo.

Tinungo ng mga rebelde ang detachment ng Selective Security Agency isa sa mga pribadong security agency na nangangalaga sa seguridad ng nasabing posh resort kung saan dinisarmahan ang mga security guard dito at tinangay ang 26 pi­raso ng 12 gauge shotguns, pitong M16 rifles, isang 9 MM pistol at isang cal. 38 revolver.

Sinalakay din ng mga ito ang kanugnog na  Hamili Coast Main Security Office matapos namang magpanggap na Inspectors ng Department of Environment and Natural Resour­ces (DENR) at natangay ang dalawang M16 rifles, tatlong 12 gauge shotguns, tatlong 9 MM pistols, dalawang handheld radios, 10 piraso ng sari-saring cellular phone at isang laptop.

Narekober bandang alas-3:00 ng madaling araw sa isang follow-up operations ng mga otoridad ang tatlong behikulo na ginamit ng mga rebelde sa raid sa kahabaan ng Sitio Damulag, Brgy. Latag, Nasugbu.

MISS U
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with