80-anyos lolo sinaksak sa leeg
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 80-anyos na lolo na isang sapatero sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Patronicio Endab, ng no. 18th Street, Port Area, Maynila, na may tama ng saksak sa leeg. Batay sa ulat, bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-6:15 ng umaga sa kanto ng 12th St., at Atlanta St., Port Area ay huling nakita itong buhay dakong alas-3:30 ng madaling araw ng isang Abdullah Macabago nang dumaan ito sa bahay ng kanyang pinsan.

Nakita sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang dagger na posibleng ginamit sa krimen. Inaalam pa ang motibo nang pamamaslang.

 

MAYNILA PORT AREA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with