^

Police Metro

Ginang na ’mangkukulam’ sinunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ginang na pinaghihinalaang mangkukulam ang nasawi habang ang mister nito ay malubhang nasugatan matapos sunugin ang  bahay ng kanilang kapitbahay na naganap sa Zamboanga City kamakalawa.

Ang nasawing ginang ay kinilalang si Panna Saimbala, ng Sitio Malanta, Limaong ng lungsod. Habang dinala sa Zamboanga City Medical Center ang mister nito na si Saad Saimbala na nagtamo ng grabeng mga sugat sa katawan.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi ay naghahapunan ang mag-asawa nang buhusan ng gasolina ng suspek na si Sattal Samsula, 21, ang bahay ng mag-asawa na sumandaling iyon ay naghahapunan.

Nang maamoy ng mag-asawa ang gasolina sa palibot ng kanilang bahay ay sinilaban ito ng suspek saka nagtatakbo.

Mabilis na binalot ng apoy ang nasabing bahay hanggang sa tuluyang magliyab at matupok ng apoy sa insidente.

Ayon sa pulisya na hinala ng suspek na kinulam siya ni Saambala na kung tawagin sa lugar ay “barang” kaya’t naghiganti ito. Agad na tumakas ang suspek.

PANNA SAIMBALA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with