Tinedyer utas sa tractor truck
BUSINESS AFTER BUSINESS - Ludy Bermudo (Pang-masa) - November 6, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang 15 anyos na binatilyo ang nasawi makaraang madulas at masagasaan ng inangkasang tractor truck sa malagim na insidente sa Gate 5, Parola compound, Binondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Durog ang mga buto sa ibabang bahagi ng katawan ng biktimang si  Mark Coronel Munez, Grade 7 ng Harmony High School na matatagpuan sa  San Jose Del Monte Bulacan, at residente ng Block  37,  Lot 8 Phase 1,  Pabahay 2000, Muzon m SJDM, Bulacan.

Ayon kay SPO1 Ri­chard Borbon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas 12:05 ng madaling araw sa eastbound lane ng MICP Access Road, harap ng Gate 5 sa Parola Compound matapos na madulas ang biktima na humantong sa trahedya.

Nahaharap naman sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide ng driver na si Sandy Painaga, 43  anyos, ang nagmamaneho ng  Isuzu Giga Tractor na may plate number na AAR 1617, residente ng Purok 6, Sorsogon st., Payatas, Quezon City.

MAYNILA GATE 5
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with