^

Police Metro

Kapitan, tripulante kinidnap sa dagat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Korean national na kapitan ng barko at tripulanteng Pinoy ang kinidnap ng sampung armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na i-seajack  ang isang Korean flagship sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa.

Ang mga binihag na biktima ay kinilalang sina Park Chui Hong, kapitan ng barko at ang tripulanteng Pinoy na si Glenn Alindajao  mula sa Cebu.

Sa ulat na nakara­ting kay Major Felimon Tan, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command, dakong alas-2:45 ng hapon ay lulan ng isang speedboat ang mga kidnaper na nang hadyakin ang Dong Bang Giant  na isang Korean flagship na galing sa bansang Australia at kasalukuyang pabalik na sa Korea nang mangyari ang insidente.

Walang nagawa ang mga biktima matapos na tutukan ng baril ng mga ito at tinangay patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nabatid na ang mga kidnaper ay pinamumunuan ni Jul Hassan, isa sa mga tagasunod ni Abu Sayyaf Sub-leader Idang Susukan.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with