Lani, nanalong mayor ng Bacoor
Rudy Andal (Pang-masa) - May 10, 2016 - 10:00am

BACOOR CITY, Philippines – Naiproklama na ng city board of canvasser bilang nanalong alkalde ng lungsod kahapon ng madaling araw si Rep. Lani Mercado-Revilla at kanyang runningmate na si Vice-Mayor Karen Evaristo.

Inilampaso ni Mayor-elect Lani Revilla ang mga kalaban nito sa pamamagitan ng landslide victory sa botong 106, 686 kumpara sa nakalaban nitong si Board Member Andoy Remulla (47, 137) at Edwin Malvar (21, 129).

Landslide din ang panalo ni Vice-Mayor Evaristo  na may 100,495 votes kontra sa dalawa nitong nakalaban habang landslide din ang panalo ni Mayor Strike Revilla bilang kongresista may botong 141, 149 kontra sa kanyang nakalaban.

Nanalo din bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Cavite si incumbent Vice-Gov. Jolo Revilla sa pamamagitan din ng landslide victory gayundin si Atty. Boying Remulla bilang nanalong gobernador ng Cavite.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with