^

Police Metro

2 gutay sa dinamita

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang dalawang katao habang nasa 13 ang nasugatan matapos sumabog ang dinamita sa loob ng isang bahay sa Sitio Lungan Gintong, Barangay Busbus, Jolo, Sulu, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Aldea Ta­ting at si Kabir Laho, ang may-ari ng bahay na siyang nanguna umano sa paggawa ng dinamita.

Ilan sa mga  nasugatan ay kinilalang sina Kamliya Spaldon, 60; Menariya Elasan, 42, Jeba Tating, 27; Neba Janji, 15; Nashra Baani, 12; Alnica Tating, 16; Fadzrina Ta­ting, 6; Darwin Tating, 5; at Aifha Tating, 5.

Sa ulat ni Supt. Julpikar Sitin, hepe ng Jolo Municipal Police Station, bago nangyari ang pagsabog dakong alas-8:30 ng umaga ay gumagawa ng dinamita sa loob ng isang bahay nang aksidente itong sumabog.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad sa loob ng bahay kung saan nangyari ang pagsabog ay narekober pa dito ang nasa limang sako ng ammonium nitrate na pangunahing sangkap sa paggawa ng dinamita at iba pang klase ng improvised explosive device (IED).

Ginagamit umano ang mga ginagawang dina­mita ng magkakamag-anak sa ilegal na pangi­ngisda sa lugar.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with