Abaya pinagbibigti ni Osmeña
Malou Escudero (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dapat umanong magbigti na lamang o ibitin ni Department of  Transportation and Communication (DOTC) Secretary Jun Abaya ang kanyang sarili dahil sa kahihiyan.

Ito ang hiniling ni Senator Serge Osmeña III kay Abaya, dahil malaking kahihiyan sa panig nito ang mga na­ging kapabayaan at kapalpakan sa  pagtugon sa mga problema sa MRT.

Ipinagtanggol ni Osmeña ang draft report ni public services subcommittee chairman Sen.Grace Poe na nagrere­komendang kasuhan ng graft si Abaya at iba pang opisyal ng DOTC.

Pinanindigan ni Osmeña na makatotohanan ang detalye na nakapaloob sa subcommittee report lalo na ang mga paghihirap at miserableng kondisyon ng mga sumasakay sa MRT.

Wala din aniyang kwestiyon pagdating sa gross mismanagement ng DOTC at ang ulat na nakapanglumo  ang kondisyon ng  MRT sa ating bansa.

ABAYA ACIRC ANG ATILDE DAPAT GRACE POE IPINAGTANGGOL OSME SECRETARY JUN ABAYA TRANSPORTATION AND COMMUNICATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with