250 poll machines depektibo
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng Commission on  Elections (Comelec)  at Smartmatic na may 250 na depektibong vote counting machines mula sa bansang Taiwan na dinala dito sa Pilipinas.

Ayon sa kinatawan ng Smartmatic, bagama’t minor issues lang ito, tiniyak nilang hindi na maisasama ang mga iyon sa gagamitin sa eleksyon hangga’t hindi ganap na naaayos ang mga nasilip na diperensya.

Sinabi naman ni Come­lec Chairman Andres Bautista, ang pagkakatuklas ng mga may aber­yang makina ay bunga ng maagap na pagsusuri dito ng service provider at Comelec technical team.

Sa ngayon,nasa 71,456 vote counting machines na ang nakalagak sa Comelec warehouse sa Sta. Rosa, Laguna mula sa manufacturing area ng Smartmatic sa Taiwan.

Kabuuang 90,000 ang kinakailangang makina para sa darating na halalan at inaasahang makokompleto ito sa mga susunod na araw.

Naglaa ng P68 mil­yon para sa renta ng napa­kalaking warehouse.

ACIRC ANG AYON CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA COMELEC KABUUANG NADISKUBRE NAGLAA PILIPINAS SINABI SMARTMATIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with