^

Police Metro

3 sundalo patay, 3 sugatan sa NPA rebels

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang tatlong sundalo kabilang ang isang junior officer habang tatlo pa ang nasugatan nang magkaengkwentro ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa sa liblib na lugar sa Pantukan, Compostela Valley.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina 1st Lt. Ralph Pantonial, miyembro ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Class 2010, Commander ng Charlie Company ng Army’s 46th Infantry Battalion (IB); Pfc Eulezys Bantulo at Private First Class Moreno. Habang ang mga nasu­gatan ay sina Pfc Melvin Velonta, Corporals Jestoni Sabido at Herbert Aquino.

Batay sa ulat ni Captain Rhyan Batchar, Public Affairs Office ng Army’s 10th Infantry Division, dakong ala-1:00 ng umaga nang makasagupa ng Army’s 46th Infantry Battalion ang nasa 60 mi­yembro ng NPA’s Pulang Bagani Command 3 sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee sa  masukal na bahagi ng Sitio Sapang Tin-aw, Brgy. Tibagon ng nasabing bayan.

Tumagal ng may 30 minuto  ang bakbakan pero habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo ay bigla na lamang ang mga itong hinagisan ng eksplosibo ng mga rebelde na ikinasawi ni Pantonial at Bantulo habang sugatan ang dalawa pa na sina Velonta at Sabido.

Bandang alas-6:00 ng gabi ay muling nagkaroon ng bakbakan sa Sitio Biasong, Brgy. Napnapan. Pantukan na tumagal ng mahigit 10 minuto at nasawi si Moreno.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CAPTAIN RHYAN BATCHAR

CHARLIE COMPANY

COMPOSTELA VALLEY

CORPORALS JESTONI SABIDO

HERBERT AQUINO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with