4 disqualification case ibinasura... Duterte tuloy sa laban
MANILA, Philippines – Ibinasura kahapon ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang apat na petisyon na nagdidiskwalipika kay presidential hopeful Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Inihayag ni First Division presiding Commissioner Christian Robert Lim na ang desisyon ay unanimous na pumapabor para ibasura ang 4 petisyon laban kay Duterte dahil sa kawalan ng merito.
Bukod kay Lim, kabilang din sa First Division sina Commissioners Luie Tito Guia at Rowena Guanzon.
Ang desisyon ng Comelec ay nagsasabi na si dating Partido Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) standard-bearer Martin Diño ay balido ang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-presidente at hindi ito idineklarang nuisance candidate at ang pag-atras nito para pumalit si Duterte ay balido rin.
Maging ang pumalit na si Duterte ay hindi nakitaan ng dibisyon ng misrepresentation sa kanyang COC.
Ang apat na petisyon laban kay Duterte ay isinampa nina broadcaster Ruben Castor, UP student leader John Paul delas Nieves; Ely Pamatong at Rizalito David.
Samantala, nagbabala sina Duterte at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa “narcopolitics.” na kanila itong ikukulong sa sandaling mapatunayan.
Ito’y matapos kumpirmahin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang presensya ng “narcopolitics” sa bansa, at binanggit ang pagkaka-aresto noong 2015 ng may 200 opisyal ng gobyerno na sangkot sa illegal drug trafficking.
- Latest