^

Police Metro

AFP inalerto vs Sayyaf bombings

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inalerto na kahapon ni Joint Task Group (JTG) Commander Brig. Gen. Alan Arrojado ang tropa ng militar kasunod ng pagkakasiwalat ng planong pagsasagawa ng serye ng pambobomba ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa downtown ng Jolo, Sulu.

Ayon kay Arrojado, namonitor ng mga intelligence operatives  ang grupo ni Abu Sayyaf bomber Namil “Gapas” Ahajari kasama ang mga kasamahan na magsagawa ng pambobomba sa kapitolyo ng Jolo.

“Accordingly, said hostile plan/action is to divert the focus of military troops currently conducting military o­perations targeting their group in the hinterlands of Patikul & Talipao municipalities,” ayon pa kay Arrojado.

Samantala, nabunyag din ang nasa likod ng pambobomba sa videoke bar sa Tabak Village sa Brgy. Busbus, Jolo noong Enero 28 ng gabi na ang grupo ni Abu Sayyaf member Roger Saji na kasamahan ni Gapas.

Inihayag pa ni Arrojado na partikular na target  ng Abu Sayyaf ay ang Brgy. Kakuyagan kung saan madalas na makita ang presensya ng tropa ng militar sa Serrantes Street gayundin ang mga namamalengke sa hanay ng mga sundalo.

Ayon pa sa heneral, nagpapatuloy naman ang law enforcement operations laban sa grupo ng mga bandido na hawak pa rin ang mga nalalabing bihag.

Kabilang sa mga nalalabing bihag na target ng search and rescue ope­rations ay ilang dayuhan na ipinagpapalipatlipat ng taguan sa kagubatan ng Sulu.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ALAN ARROJADO

ANG

ARROJADO

AYON

BRGY

COMMANDER BRIG

JOINT TASK GROUP

JOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with