FB tutulong sa mga botante
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 28, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagsanib puwersa   ang Commission on Elections (Comelec) at ang social networking site na Facebook upang mapalawak ang partisipasyon ng  publiko sa nalalapit na halalan.

Ang paglulunsad ay pinangunahan nina Come­lec Chairman Andres Bautista, Facebook Director for Global Politics and Govt Outreach Katie Harback at Facebook Head of Public Policy for Asia Pacific Elizabeth Hernandez.

Kabilang sa tatlong elemento  na  tututukan sa nasabing partnership ay ang  engagement kung saan makikipagtulu­ngan ang FB sa Comelec sa pangangalap ng mga tanong para sa mga kandidatong lalahok sa debate.

Maglalagay din ng  ‘I’m a voter” product na ilalabas ng  FB sa araw ng eleksyon sa hangad na mahimok ang mga botante na bomoto lalu pa’t  47 milyon sa mga Pilipino ay Facebook user.

Gagamitin din ng   trending insight kung saan magpapalabas ang FB ng “pulse of the nation” para ipakita ang mga nangungunang kandidato, at mga isyu tungkol sa eleksyon.

ACIRC ANG ASIA PACIFIC ELIZABETH HERNANDEZ CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA COMELEC FACEBOOK FACEBOOK DIRECTOR FACEBOOK HEAD OF PUBLIC POLICY GAGAMITIN GLOBAL POLITICS AND GOVT OUTREACH KATIE HARBACK NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with