Galing sa inuman... Mag-utol dedbol sa motor

Crime scene tape

MANILA, Philippines – Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang magkapatid matapos na ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa nakaparadang trak ng basura kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang mag-utol na nasawi ay kinilalang sina Jun, 38 at  Jerald Carballo, 22 pawang taga QC.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 ng gabi ay minamaneho ng isa sa biktima ang kanilang motorsiklo at pauwi na sa kanilang bahay buhat sa isang inuman sa bahay ng kaibigan sa Brgy. Escopa.

Habang binabaybay ang  kahabaan ng P. Tuazon Avenue ay bigla na lamang silang bumangga sa isang nakaparadang na trak ng basura sa kanto ng Kalantiao Street, Project 4, Quezon City.

Ayon sa mga saksi na mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo ng magkapatid at tangkang iwasan ang isang sasakyan nang bigla itong bumangga sa trak ng basura.

Show comments