_pang-masa
^

Drug pusher utas sa barilan

Joy Cantos (Pang-masa) - January 22, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Isang notoryus na drug pusher ang  nasawi nang ito ay manlaban sa mga elemento ng militar at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug raid kahapon sa Brgy. Calangcanas, Maluso, Basilan.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Abubakar Mohammad alyas Abubakar Adali habang arestado naman ang walo pa nitong kasamahan.

Sa ulat, bandang alas-5:45 ng umaga nang isa­gawa ang raid ng pinagsanib na operatiba ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11, 4th Special Forces Battalion ng Phil. Army at PDEA ang drug bust operation sa lugar.

Pumalag si Mohammad na agad nakipagbarilan sa arresting team na nauwi sa shootout habang nakorner naman ang walo pa nitong naarestong mga kasamahan.

Nasamsam sa ope­­rasyon ang dalawang M16 rifles, isang M2013 grenade laun­cher, isang caliber .22 pistol, isang rifle grenade, sari-sa­ring rounds ng mga bala, mga magazine, pera, ilang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

ABUBAKAR ADALI ABUBAKAR MOHAMMAD ACIRC ANG BASILAN BRGY CALANGCANAS DRUG ENFORCEMENT AGENCY ISANG MARINE BATTALION LANDING TEAM SPECIAL FORCES BATTALION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with