Presidente atbp puwede nang manumpa sa barangay chairman
Gemma Amargo-Garcia (Pang-masa) - January 22, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Hinihintay na lamang ang pirma ni  Pangulong Noynoy Aquino  sa isang panukalang batas na maaari nang manumpa ang mga halal na opisyal ng gobyerno tulad ng presidente sa mga kapitan ng barangay.

Sa ilalim ng Senate Bill 2693, ang may 42,000 barangay captain sa buong bansa ay maaari ng mag-administer ng oaths ng Vice-President, miyembro at secretaries ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, miyembro ng Hudikatura, Secretaries of Departments, provincial governors at Lieutenant governors.

Gayundin ang city mayors; municipal mayors; bureau directors; regional directors; clerks of courts; registrars of deeds, iba pang civilian officers  sa bansa na itinalaga ng Pangulo  at sasailalim sa confirmation ng Commission on Appointments at iba pang constitutional officers at notary public.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Salvio Fortuno, may akda ng panukala sa Kamara, na may karapatan din ang mga government officials na mamili kung kaninong public officials nila gustong manumpa.

Ang nasabing panukala ay puputol sa matagal ng tradisyon kung saan ang presidente ang nanunumpa sa Chief Justice.

ANG AYON CAMARINES SUR REP CHIEF JUSTICE GAYUNDIN HINIHINTAY MABABANG KAPULUNGAN PANGULONG NOYNOY AQUINO SALVIO FORTUNO SECRETARIES OF DEPARTMENTS SENATE BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with