5 NPA rebels patay sa bakbakan
Joy Cantos (Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Limang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi nang makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa naganap na bakbakan sa Brgy. Mabuhay, Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa.

Batay sa ulat, bago nangyari ang bakbakan dakong alas-9:00 ng umaga sa nasabing barangay ay kasalukuyang nagpapatrulya ang tropa ng militar nang masabat ang nasa 60 rebelde at agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok na tumagal ng 40 minuto.

Ang mga rebelde ay mabilis na nagsitakas tangay ang nasa­wing mga kasamahan na naghiwa-hiwalay ng direksyon sa kagubatan.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang AK 47 rifle, Improvised Explosives Device (IED)  na kinabibilangan ng isang rifle grenade, limang blasting caps, isang ICOM radio, dalawang electrical detonating switch, isang cellphone, 200 metrong electrical detonating wire, limang backpacks, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa panig ng mga sundalo sa nangyaring bakbakan.

ACIRC AGUSAN ANG BATAY BRGY IMPROVISED EXPLOSIVES DEVICE LIMANG MABUHAY MGA NAREKOBER NEW PEOPLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with