2 rebeldeng NPA, napatay

Joy Cantos (Pang-masa) - January 18, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napatay ang dalawang rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isa ang nasakote matapos na makasagupa ang tropa ng gobyerno kahapon ng umaga sa liblib na lugar ng Brgy. Gibgos, Caramoan, Camarines Sur.

Batay sa ulat, bago naganap ang bakbakan dakong alas-10:20 ng umaga sa nasabing lugar ay kasaluku­yang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng Army’s 83rd Infantry Battalion at Army’s 91st Division Reconnaissance Company nang masabat ang grupo ng tinatayang nasa 14 rebelde.

Agad nagkaroon ng mainitang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng may 15 minuto at dalawa sa mga rebelde ang agad na bumulagta sa insidente na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing rebelde habang masuwerteng wala ni isang sundalo ang nasugatan o nasawi sa sagupaan.

Narekober ang tatlong M16 rifles, isang M 653 carbine rifle, isang M 2013 grenade launcher, tatlong backpacks, tatlong Improvised na bomba at mga subersibong dokumento.

ACIRC ANG BATAY BRGY CAMARINES SUR CARAMOAN DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY GIBGOS INAALAM INFANTRY BATTALION NEW PEOPLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with