^

Police Metro

Walang ISIS sa Pinas-AFP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – ‘Walang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Pilipinas’.

Ito ang pinandigan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna na rin ng pahayag ng Indonesian authorities na kabilang ang Pilipinas sa lugar na may terror cell ang ISIS matapos ang ‘terror attack’ sa Jakarta, Indonesia noong Huwebes na kumitil ng buhay ng pito katao habang 24 pa ang nasugatan sa serye ng pambobomba doon.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ang mga lokal na armadong grupong naghahasik ng karahasan sa Pilipinas ay nagpapanggap lamang na ISIS  at hindi kaal­yado ng naturang international terrorist.

Kabilang dito ang grupo ni Abu Sayyaf Group Commander Isnilon Hapilon na sa ipinakalat na video ay nakipag-alyansa na umano sa ISIS pero ayon sa mga opisyal  ay luma ang video footage at bahagi lamang ito ng propaganda ng mga bandido.

Maging ang grupo ng Ansarul Khalifa na ang walong miyembro ay pawang mga ‘ISIS inspired’ lamang umano na napaslang sa engkuwentro sa Sultan Kudarat noong huling bahagi ng nakalipas na taon ay hindi rin mga ISIS, kundi nais lamang sumakay sa pamamagitan ng propaganda sa nasabing international terrorist group.

Nabatid naman sa mga opisyal ng militar sa Sulu na maging sa lalawigan kung saan sinasabing nagpupulong at nagsisipagtago ang ISIS kasama ng mga bandidong Abu Sayyaf ay wala umano silang namomonitor na presensya ng lehitimong grupo manapa’y mga nagsisipagbalat kayo o nagpapanggap lamang.

Idinagdag pa nito na upang masupil ang terorismo ay dapat na maging vigilante ang lahat at importante rin na makipagtulungan ang mamamayan sa mga otoridad.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP COMMANDER ISNILON HAPILON

ACIRC

ANG

ANSARUL KHALIFA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ISIS

MGA

PILIPINAS

RESTITUTO PADILLA

SPOKESMAN BRIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with