SC nalagay sa alanganin ng political ads ni Poe
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 14, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Inilagay umano sa ala­nganin ang katayuan ng Supreme Court sa bagong political ads ni Senator Grace Poe.

Ito ang inihayag nina Attys. Raymond Fortun at Romulo Macalintal na kung saan  nabanggit sa ads ang disqualification case ng namayapang nitong ama na si Fernando Poe Jr.

Sinabi ni Fortun na ang 30-second TV/radio ad ni Poe ay naglagay sa alanganin ang SC na kung ang lalabas sa desisyon ay magkaiba sa kanilang ipinalabas sa ads.

Ipinapakita ng campaign ad ang magkakapitbahay na pinag-uusapan ang disqualification case ni Poe, at isang babae ay nagsabi na kandidato pa rin si Poe.

Sinabi pa ng babae sa ad ay gayun din ang ginawa ng SC sa amang si FPJ na bandang huli ay pinayagan din na tumakbo.

“Parang pelikula lang yan ni FPJ, nagpapabugbog sa simula!”,wika ng lalaki.

“To come up with an ad that ‘ganyan-ganyan din ang ginawa nila sa tatay nyang si FPJ’ ay panlilinlang sa mga tao gayung ang isyu ay naka-pending pa sa Supreme Court”, wika ni Fortun.

Binigyang diin naman ni Macalintal na ang kaso ni Grace Poe ay kaiba sa kaso ng kanyang amang si FPJ, dahil si FPJ ay idineklarang natural born habang si Senator Poe ay napulot lang kaya ang isyu ay kung tunay na mga Filipino citizens ang  kanyang mga tunay na magulang.

Idinagdag pa ni Macalintal na kinukwestyon ang residency ni  Grace Poe habang ang kanyang tatay ay walang ganyang kaso.

Magugunita na noong 2004, ay naglabas ng desisyon ang SC na si FPJ ay Filipino kahit na siya ay illegitimate son ng kanyang ina na Amerikana dahil nakuha naman nito ang pagiging citizen dahil sa tatay niya na Filipino.

ACIRC ANG FERNANDO POE JR. FORTUN GRACE POE MACALINTAL POE RAYMOND FORTUN ROMULO MACALINTAL SENATOR GRACE POE SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with