Ex-Tawi-tawi governor inireklamo sa depektibong SALN
Angie dela Cruz (Pang-masa) - January 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nabigo umano si dating Tawi-tawi go­vernor Sadikul Sahali na makapag-comply sa Section 8 ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) kaya’t pinakakasuhan ito ng tanggapan ng Ombudsman.

Nabatid na anim na beses ang ginawang  pag­labag ni Sahali batay sa isinumite nitong Statement of Asset and Liabilities (SALN) mula taong 2007 hanggang 2011 na hindi dumaan sa isang notary public at hindi rin nito nalagdaan ang isinumiteng SALN para sa taong 2012 na lampas naman  sa itinakdang deadline na April 30 sa pagsusumite nito.

Sa ilalim ng Section 8 ng R. A. No. 6713,  ang sinumang opisyal ng pamahalaan at mga empleyado ay may obligasyon na magsumite under oath ng kanilang assets, liabilities, net worth, financial at business interests kasama na ang sa kanilang asawa at mga anak na wala pang asawa na may 18 gulang na kasama nilang naninirahan sa kanilang tahanan.

ACIRC ANG CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS NABATID NABIGO PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES REPUBLIC ACT SADIKUL SAHALI SAHALI STATEMENT OF ASSET AND LIABILITIES TAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with