Bakasyunista lunod sa paghabol ng tsinelas

MANILA, Philippines – Isang lalaking bakasyunista ang nasawi matapos itong malunod nang habulin ang  tsinelas na tinangay ng alon  kamakalawa sa karagatan ng Brgy. Estanza, Bolinao, Pangasinan.

Ang nasawi ay kinilalang si Jericho delos Reyes, 25 binata, residente ng Antipolo Hills, Antipolo, Rizal.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:46 ng hapon ay kasalukuyang nagse-selfie sa pagkuha ng larawan sa tabing dagat ang biktima kasama ang mga kaibigan nang aksidenteng tangayin ng alon ang kapares ng tsinelas.

Hinabol ng biktima ang kaniyang tsinelas, subalit napunta ito sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa malunod.

Agad namang sumaklolo ang mga lokal na residente at iniahon ang katawan ng biktima na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklara na itong dead-on-arrival.

Show comments