Tandem umatake: 1 patay, 2 sugatan
Joy Cantos (Pang-masa) - December 26, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napatay ang isang lalaki habang dalawa ang nasugatan nang sila ay pagbabarilin ng riding in tandem suspek sa magkakahiwalay na ambush sa Binalonan at Natividad, Pangasinan.

Ang nasawi ay kinilalang si Teofilo Malapitan, 61, habang malubhang nasugatan ang driver ng motorsiklo na si Sergio Cayabyab, 58.

Nabatid na ang dalawa ay kagagaling lamang sa bahay ni Brgy. Kagawad Rafael Legaspi Jr., at pauwi na sa kanilang mga bahay at binabagtas ang silangang direksyon nang pagbabarilin ang mga ito pagsapit sa lugar.

Sa isa pang insidente, bandang alas-7:30 naman ng umaga kamakalawa nang pagbabarilin rin ng riding in tandem na mga suspek ang negosyanteng si Jesus Espique, 65, sa kahabaan ng highway ng Brgy. Poblacion West, Natividad ng lalawigang ito.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo at patuloy na isinasalba matapos na ilipat sa Villaflor Medical Hospital sa Dagupan City.

ANG BINALONAN BRGY DAGUPAN CITY JESUS ESPIQUE KAGAWAD RAFAEL LEGASPI JR. NATIVIDAD POBLACION WEST SERGIO CAYABYAB TEOFILO MALAPITAN VILLAFLOR MEDICAL HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with