Senglot inutas ng kainuman

MANILA, Philippines – Sa mismong inuman nasawi ang isang 41-anyos na mister nang ito ay saksakin sa leeg ng kanyang kainuman na napikon sa kanilang kulitan kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronie Bandilla, ng 203 Joaquin Compound, Purok 8, Barangay Alabang ng naturang lungsod.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Marcelino Palcon “alias Sinoy”, nasa hustong gulang, tubong Leyte, ng Bautista Compound ng naturang barangay.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Bautista Compound, Purok 8, Barangay Alabang ng naturang siyudad ay nag-iinuman ang biktima at suspek.

Dahil kapwa na lasing ay nagkakulitan ang mga ito na nauwi sa pikunan hanggang kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak sa leeg ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek na siyang pakay sa pagtugis ng mga otoridad.

Show comments