_pang-masa
^

2 lalaki na tsinap-chop natagpuan

Cristina Timbang (Pang-masa) - December 22, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Natagpuan ng mga residente ang putol-putol na bahagi ng katawan  ng dalawa katao na walang ulo sa isang plastic drum  kamakalawa sa Brgy. St Peter 1, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga nang sila ay makatanggap ng tawag mula sa mga residente tungkol sa dalawang lalaki na pugot ang ulo at putol-putol ang mga katawan na nakasilid sa malaking plastic na drum sa creekside sa kanilang lugar.

Walang nakakakilala na mga residente sa dalawang bangkay na posibleng doon lang itinapon.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang dalawang bangkay ay galing sa isang punerarya na walang umangkin kaya’t pinagbili ito sa mga estudyante para pag-aralan.

Nabatid pa sa imbestigador na ang mga katawan ng biktima ay tinalupan at nakitaan ng tag mula sa isang ospital sa Maynila.

ANG ATILDE BRGY CAVITE DASMARI MALAKI MAYNILA MGA NABATID NATAGPUAN ST PETER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with