^

Sarhento ng PAF todas sa NPA attack

Arnell Ozaeta (Pang-masa) - December 20, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang sundalo ng Philippine Air Force matapos maki­pagbakbakan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Nasugbu, Batangas kahapon ng hapon

Ayon kay P/Senior Supt. Arcadio Ronquillo, Batangas PNP director, sinugod ng mga rebeldeng NPA ang detachment ng 730th Combat Group ng PAF 710th Special Ope­rations Wing sa Barangay Calayo bandang alas-3:30 ng hapon.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa matamaan at mapatay si Staff Sergeant Armando Silvestre, 47.

Mabilis na tumakas ang mga rebelde matapos ang enkwentro kung saan nakalagak ngayon ang labi ng sundalo sa Saint Peter Funeral Homes in Nasugbu.

Kinondena naman ng Armed Forces Southern Luzon Command (Solcom) ang insidente tatlong araw makaraang ianunsyo ang 12-day unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines (CPP).

ACIRC ANG ARCADIO RONQUILLO ARMED FORCES SOUTHERN LUZON COMMAND BARANGAY CALAYO BATANGAS COMBAT GROUP COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES NASUGBU NEW PEOPLE PHILIPPINE AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with