Mga baril nasamsam sa compound ng mayor

MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-NCR ang compound na pag-aari ni Mayor Jay Manalo Ilagan sa isinagawang operasyon sa bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas kahapon ng umaga.

Sa bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court sa Laguna, ni-raid ng CIDG at special action force ang JMI Compound sa Barangay Santol sa nasabing bayan pasado alas-11 ng umaga.

Nakasamsam ng iba’t ibang kalibre ng baril ang mga pulis kabilang na ang AK47 rifle, cal. 45 pistol at mga bala ng baril.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ­(illegal possession of firearms and ammunition) ang caretaker ni Mayor Ilagan na si Danilo Gonzales.

Wala naman si Mayor iIagan nang maganap ang raid ng mga pulis.

Show comments