Trader inatado ng 2 matadero

MANILA, Philippines – Parang pagkatay ng baboy ang ginawang pagpatay ng dalawang matadero sa isang negosyante na kanilang nakatalo sa larong bilyar sa Purok 3, Brgy Pinya, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Donato “Atong” Briza, 42, may-asawa, ng Purok 3, Brgy. Bulhao.

Ang dalawang suspek na nadakip ay kinilalang sina

Sandy Arevalo, 28, binata, tubong Imus, Cavite, pansamantalang nakatira sa Purok 1, Brgy. Gumamela; at Christopher Ramo, 35, ng Manlapaz Subdivision.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen ay magkalaban sa larong bilyar ang dalawang suspek at biktima nang ito ay magkapikunan na nauwi sa pagtatalo hanggang sa pagtulungang saksakin ang biktima.

 

Show comments