^

Police Metro

2-anyos anak grinipuhan ng ina

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sugatan ang 2-an­yos na totoy matapos itong saksakin ng sariling ina habang natutulog sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Naisugod naman sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si John Efren habang inaresto naman ang suspek na si Ethelyn de Leon, 21, ng #537-A Lakandula Street sa nasabing lugar.

Sa ulat na nakara­ting kay Manila Police District-station 2 chief, P/Supt. Nicolas Pinon, nagising ang lolo ng bata na si Mang Edelberto dahil sa malakas na iyak ng biktima.

Inalam niya ito at nangilabot nang makita ang suspek na hawak ang patalim habang duguan ang apo na katabi ng ina sa pagtulog.

Agad dinala ni Mang Edelberto sa pagamutan ang biktima kung saan hindi na nakakausap ng maayos ang suspek kaya hindi makunan ng paha­yag kaugnay sa ginawang pananaksak sa anak.

Ayon umano kay Mang Edelberto, single parent ang kaniyang anak na iniwan ng kinakasama kaya kinukupkop nila ito at ang apo.

Nahaharap sa kasong frustrated parricide ang suspek.

 

vuukle comment

A LAKANDULA STREET

ACIRC

ANG

AYON

ETHELYN

INALAM

JOHN EFREN

MANG EDELBERTO

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOHNSTON HOSPITAL

NICOLAS PINON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with