Globe naglunsad ng bagong post paid plan
(Pang-masa) - December 6, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Naglunsad ang Globe Telecom ng bagong postpaid promo plan na nag-aalok ng mas malaking data allowance at free content sa pagdating ng digital revolution sa kanilang mga kustomer.

Layunin ng bagong post paid plan na masulit ang halaga ng pera ng mga customer tulad na limited edition nito na myLifestyle Plan 499 at 599 na may kasamang Surf More data service na may mas malaking data allocation.

Ang line-only Plan 499 ay may 3GB ng data habang ang Plan 599 ay may 1.5GB na may libreng Samsung J1 o Lenovo A5000 device.

Ang parehong plans ay may karagdagang 1GB ng data upang magamit ang Spotify Premium o HOOQ nang libre sa loob ng tatlong buwan.
Ang All myLifestyle plans ay may unlimited calls at texts sa Globe at TM, 1GB ng Globe Cloud Storage sa loob ng 24 buwan, at access sa mas mayamang digital lifestyle kung saan maaaring makapamili sa Navigation, Explore o Fitness pack.

Bumisita sa pinakamalapit na Globe o AllPhones store upang makakuha ng limited edition Globe myLifestyle Plan 499 at 599 na may Surf More hanggang December 31, 2015.

ANG ANG ALL BUMISITA GLOBE CLOUD STORAGE GLOBE TELECOM LAYUNIN LENOVO NAGLUNSAD PLAN SPOTIFY PREMIUM SURF MORE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with