^

4 bagets nilamon ng ilog

Joy Cantos (Pang-masa) - November 25, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasawi ang apat na tinedyer matapos malunod sa ilog nang tangayin ng ma­lakas na agos habang masayang nagla­languyan sa Bakas Ri­ver, Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Lovely Lacaba; Nelson Gobin; pawang 18-an­yos; Butch Harold 16, at Christian Palen, pawang 15.

Batay sa ulat, ni Supt Joel Estares, hepe ng Norzagaray Police, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon sa Bakas River, Brgy.Matictic ng bayang ito.

Ayon sa opisyal, u­nang narekober ang bangkay nina Lacaba at Gobin, sumunod ay sina Harold, at Palen.

Base sa imbestigasyon, nagkatuwaang maligo sa ilog ang magkakabarkada nang big­lang tangayin ang mga ito ng malakas na agos ng tubig na dumaloy umano ga­ling sa Angat Dam.

Ang mga biktima ay pawang residente ng San Jose del Monte City na dumayo lamang sa lugar para maligo.

Tatlo sa kasama ng mga nasawi ay nakaligtas sa insidente bagaman halos na-trauma ang mga ito sa masaklap na sinapit ng apat nilang mga kabarkada.

ACIRC ANG ANGAT DAM BAKAS RI BAKAS RIVER BUTCH HAROLD CHRISTIAN PALEN LOVELY LACABA MONTE CITY NELSON GOBIN NORZAGARAY POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with