Suspek pa sa Maguindanao massacre, nadakip
Joy Cantos (Pang-masa) - November 17, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Isa pang suspek sa Maguindanao massacre na kumitil ng buhay ng 58 katao kabilang ang 32 mediamen ang naaresto kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasakoteng suspek na kabilang sa 196 na wanted sa nasabing kaso na si Dinga Mentol alyas Tho Cario Opong, may warrant of arrest at ­P250,000 reward na patong sa ulo.

Sinabi ni Supt. Romeo Galgo, Spokesman ng SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sarangani at General Santos City ) Regional Police Office  ang suspek ay nasakote ng pinagsanib na elemento ng Sarangani Provincial Police Office Company, Regional Intelligence Unit 12 at Glan Municipal Police Station bandang alas-4:25 ng madaling araw sa pinagtataguan nito sa Brgy. Batoli­ling sa bayan ng Glan.

Ang mga panguna­hing suspek sa Maguindanao massacre ay ang dating maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan sa pamumuno ni da­ting Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., na namatay kaugnay ng kumplikasyon sa karamdaman nito at mga anak na sina dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na patuloy pang nakakulong.

ACIRC ANDAL AMPATUAN SR. COTABATO CITY DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR. DINGA MENTOL GENERAL SANTOS CITY GLAN MUNICIPAL POLICE STATION MAGUINDANAO MAGUINDANAO GOV REGIONAL INTELLIGENCE UNIT REGIONAL POLICE OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with