Bunso inutas ng kuya
Francis Elevado (Pang-masa) - November 17, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang kuya ang bunsong kapatid matapos na siya ay matalo nito sa kanilang suntukan kamakalawa ng gabi sa  J. Hernandez St., Sitio Magdalena, Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur.

Namatay noon din ang biktima na si Jefferson Sarte, 42. Habang agad naaresto ang kapatid nitong si Jeffrey, 45, kapwa residente ng Concepcion Grande-Naga City.

Lumalabas sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:45 ng hapon ay nagkaroon nang pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa suntukan.

Dito ay natalo si Jeffrey kaya’t pumasok ito sa loob ng bahay at kinuha ang kanyang baril at muling binalikan ang kapatid at walang habas na pinagbabaril ng malapitan ng tatlong beses.

ANG CAMARINES SUR CONCEPCION GRANDE CONCEPCION GRANDE-NAGA CITY DITO HABANG HERNANDEZ ST. JEFFERSON SARTE JEFFREY NAGA CITY SITIO MAGDALENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with