^

Police Metro

Drug bust: 2 pusher utas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng mga otoridad ang da­lawang lalaki na hinihinalang  drug pusher nang manlaban ang mga ito sa isang buy bust ope­ration kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Inilarawan ng  QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mga nasa­wing suspek na ang isa ay kinilala sa alyas na “Kalugar”, may taas na 4’11”, nasa pagitan ng edad na 25-30, nakasuot ng stripe na puting t-shirt at camouflage na pants, tadtad ng tattoo sa buong katawan; habang ang ikalawa ay nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’3”, nakasuot ng kulay itim na t-shirt, maong pants, at rubber shoes.

Naaresto ang isa sa mga kasamahan na si Jason Gonzales, alyas “John”, 23, binata ng #7, Oak Extension, Brgy. West Fairview.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (QCPD-DAIDSOTG) dakong alas-2:00 ng madaling araw nang sa­lakayin ang  hideout ng mga suspek sa Roces St., Barangay Greater Fairview.

Bago ang operasyon ay nakipagtransaksyon ang tropa ng DAIDSOTG sa mga suspek na nago-operate ng kanilang illegal na droga  sa Brgy. Greater Fairview para bumili ng halagang P20,000.

Nagpanggap na bibili ng shabu si PO2 Mark Joseph Prado sa suspek na si Gonzales at nagkasundo na magkita sa no. 5 Roces St.,  Barangay Greater Fairview para sa palitan ng items.

Habang isinasagawa ang bentahan, dalawa sa mga suspek na nagsilbing lookout ang nakatunog sa presensya ng mga pulis kung kaya agad na nagsipagtakbuhan ang mga ito na nauwi sa habulan at barilan na ikinasawi ng dalawang suspek.

Nadakip si Gonzales at narekober ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang nasa 30 gramo at marked money na P20,000 na ginamit sa buy bust.

ACIRC

ANG

BARANGAY GREATER FAIRVIEW

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK GROUP

GONZALES

GREATER FAIRVIEW

JASON GONZALES

MGA

ROCES ST.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with