Pulis-Batangas nilikida sa presinto
(Pang-masa) - November 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Napaslang ang 36-anyos na pulis matapos itong barilin ng hindi kilalang gunman sa harapan ng presinto sa Batangas City, Batangas noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si PO3 Jessie Laisa, nakatalaga sa Police Public Assistance Center sa Barangay Alangilan sa nasabing lungsod.

Naganap ang krimen bandang alas-11:10 ng gabi habang kinukuha ng biktima ang kanyang gamit sa sasakyan sa harap ng presinto nang lapitan at ratratin.

Matapos ang pamamaril, naglakad lang papalayo ang gunman at sumakay sa di-naplakahang kotse at sumibad patungo sa di-pa malamang direksyon.

Agad namang naitak­bo sa Batangas Medical Center pero idineklarang patay ang biktima habang nagsasagawa na ng pagsisiyasat.

 

ACIRC ANG BARANGAY ALANGILAN BATANGAS BATANGAS CITY BATANGAS MEDICAL CENTER JESSIE LAISA MATAPOS NAGANAP NAPASLANG POLICE PUBLIC ASSISTANCE CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with